Saturday, September 19, 2015

My memory of Alden Richards, the other half of AlDub







Back in those days nung nakatira pa kami sa may Timog area, in Quezon City at malapit lang kami sa GMA 7 studios, halos everyday ay nakakakita ako ng mga artista or personalities doon.

There was a time papunta ako sa MRT station at nakasalubong ko habang papatawid ang ilang Kapuso stars tulad nila Mark Herras and Glaiza De Castro.

Pero ang hindi ko yata malilimutan na sighting ay 'yung tungkol kay Alden Richards. That was several years ago.

Wala lang. Naalala ko lang sya ngayon kasi sikat na sikat na sya.

Late in the afternoon while waiting for a cab malapit sa kanto ng Timog and Scout Rallos St., may mga nakita akong grupo ng fans na nag-aantay sa ilalim ng puno.

Siguro mga less than 100 lang sila. I asked myself, "sino kaya ang inaantay ng mga ito?"

Maya-maya lamang, may dumating na black van mula sa GMA studios papuntang Timog.

Tumapat ang van sa mga nag-aantay na fans at medyo nag-hiyawan ang mga ito.

Naki-usyoso ako at lumapit ako ng konti sa kanila. Kunyari nag-aantay ako ng taxi sa may area nila.

Maya-maya lang ay bumukas na ang door ng van at lumabas na ang inaantay nila --- none other than Alden Richards.

I recalled that moment na naka-all black outfit nuon si Alden.

Niyakap sya ng mga fans at hinalikan. Ang iba nag-pakuha ng picture. Pero halos lahat sila ay nagpa-autograph.

Sabi ko sa sarili ko, "okay naman sya at talagang hinintuan pa nya ang mga fans nya."

Yung ibang artista kasi either lampasan lang ang mga fans nila or bubuksan na lang ang bintana ng sasakyan nila sabay kaway at pa tweetums na lang.

I  dunno kung pwede pang gawin ni Alden ngayon yan dahil kahit saan sya pumunta ngayon, talaga namang dinudumog na sya at parang hindi na sya makakalabas ng buhay!

In my opinion whatever success he is reaping these days, he deserves it cause tingin ko mabait sya sa mga fans nya.

Yun lang ang gusto kong i-share about Alden Richards.

Thanks!











Jewel of the World 2018 pageant launched in historic Malolos

The inaugural Jewel of the World beauty pageant, an international contest that celebrates cultural diversity, kicked off in the historic...