Candid Shot: Ion Perez



Ion Perez of Capas, Tarlac is this year's Misters of Filipinas Mister Universe Tourism. After CJ Querol, it's his turn to represent the country in the Mister Universe Tourism contest in 2018.

That means Perez, 26, will have so much time to prepare for the newest international male competition.

Many may not know it but Perez is one of the 69 hottest males chosen by Cosmopolitan Magazine for Cosmo bachelors 2017.

Unfortunately, fans may not be able to see him and other Cosmo bachelors in trunks as organizers of the show have stopped the annual male extravaganza for two years now.

In the meantime, girls may swoon over these lovely photos of Perez. We also asked him some interesting questions. Here's our exclusive interview:


1) Bukod sa pagiging Misters, ano pa ang mga pangarap mo sa buhay? -

"Unang-una, gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral."

2) Balak mo rin bang pumasok sa showbiz?

"Kung may opportunity po why not? Sino po ba ako para tumanggi sa ganong opportunity?" 


3) Ano ang mga advice mo sa mga guys na gusto ring maging model tulad mo?

"Tiwala sa sarili lakas ng loob, discipline, determination at work hard."

4) Ano ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae?

"Simple lang. Hindi masyadong maputi, mabait, sweet, caring, faithful at understanding."


5) Paano magmahal ang tulad ni Ion Perez?

"Pag nag mahal ang isang Iion Perez mapapa-wow ka na lang 😂 "

6) Kung bibigyan ka ng pagkakataon sa showbiz, anong role ang gusto mo?

"Maging isang alipin."


7) Sino ang mga taong ini-idolo mo at bakit?

"Ang mga taong nam-bully sa akin kasi kung hindi po sa kanila, baka hindi po ako ganito ngayon." 

8) Ano ang nararamdaman mo nung mga oras na hindi pa tinatawag ang pangalan mo sa mga winners?

"Sa oras na 'yon masaya pa rin naman po kasi lahat ng mga kaibigan ko sila ang tinatawag. So kahit hindi po ako naging winner, basta nakita kong winners ang mga kaibigan ko, parang winners na rin po ako."


9) Bukod sa iyong pagkapanalo, ano ang hindi mo makakalimutan na karanasan sa "Misters?"

"Marami po tulad ng mga kulitan namin ng mga co-candidates namin. Hindi na rin po kasi basta-basta maisasantabi lang ang mga pinagsaman namin. Nakilala po namin ang isa't isa at itinuring na namin kapamilya ang bawa't isa."

10) Sino ang mga best friends mo sa "Misters?"

"Halos sila naman po pero mas naging malapit ako kay RAVEN LANSANGAN, JAY HIPOLITO, VAN RAMOS, CARLO PASION, and YVES CAMPOS.


11) Kung maibabalik mo ang oras ng finals ng "Misters," may pagkakamali ka ba na gusto mong itama?

"Sa tingin ko po wala kasi kahit ano naman mangyari sa oras na 'yun, win or lose, na feel kong proud naman po sa akin ang pamilya ko."

12) Paano mo na-celebrate ang pagkapanalo mo? Umuwi ka na ba uli sa Capas?

"Ang pag-celebrate siguro simpleng hapunan lang po kasama ang mga familya, relatives, friends at mga taong sumuporta sa akin." - ROBERT REQUINTINA


Popular Posts