Karla Estrada at Chokoleit, pinag-uusapan sa social media



Usap-usapan ngayon sa social media ang di umano'y pambabastos ng television host na si Karla Estrada sa komedyanteng si Chokoleit matapos itong mag-guest sa morning show na "Magandang Buhay" ng ABS-CBN noong Feb. 5.

Nagsimula ang lahat nang tanungin ni Estrada si Lee O' Brian, partner ng komedyanang si Pokwang, kung bakit niya kinuhang ninong si Chokoleit sa kanyang newly born baby girl na si Malia.


Tanong ni Estrada kay O' Brian: "Why did you decide to get this?"

O' Brian replied: "Kasi gusto namin na ninong mas mabuti."

Mukhang na-shock sila Jolia Magdangal at Melai Cantiveros, co-hosts din ng morning show, sa tanong ni Estrada.

Nag-react uli si Estrada: "Pero di ba sa fairy tales, although hindi ka naman fairy."

Sumagot naman si Chokoleit: "Di ba sa fairy tale yung mga mahihirap sila yung nagbibigay ng power tinulungan? Ganun!"


Sabi ni Estrada: "Sige pagibibigyan kita dahil guest ka." Maya-maya sumagot uli si Estrada: "Grabe nung tinitignan kita sa camera parang ikaw yung nagbigay ng mansanas kay Snow White. Wag ka masyado magpakita lay Malia, ha."

Nang patapos na ang interview, sumagot si Estrada: "Eto naman kay Lee. Thank you Chokoleit. Pwede ka ng umalis."

Dagdag ni Chokoleit: "Mamaya na pag-commecial na!"

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging asal di umano ni Estrada sa guest na komedyante.


"Naawa ako kay Chokoleit," sabi ng isang netizen.

"Karla! May itsura ka LNG Hwag kang ganyan. porke nakakaangat kna ngaun? pang iinsulto yang Mga cNasabi mo Kay chocolate obviously," dagdag pa ng isang netizen.

Dalawang araw mula ng mangyari ito, tila sinarado ni Estrada ang comments section sa kanyang Instagram.

Nag-post na rin si Estrada ng siyam na "hugot" na mukhang mga pa-tama sa kanyang mga basher.


Ilan sa mga post na ito: "The greatest stress you go through when dealing with a difficult person is not fueled by the words or actions of this person - it is fueled by your mind that gives their words and actions importance."

Isa pang post: "It's OK to be upset. It's never OK to be cruel. Rage, resentment and jealousy do not change the hearts of others - they only change yours."

"Forgive others, not because they deserve forgiveness but because you deserve peace. Free yourself of the burden. of being an eternal victim," ayon pa sa isang IG post nya.

Hiniling din ng ilang netizen na bigyan ng kaukulang parusa si Estrada dahil sa di umano'y hindi magandang asal na ipinakita niya kay Chokoleit. - ROBERT REQUINTINA





Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards