Sharon to Gabby's camp: 'Hindi ko sila kailangan'



Tinuldukan na ni Megastar Sharon ang isang project na magsisilbi sanang reunion movie ng kanyang former husband na si Gabby Concepcion at nagbitiw na ito ng salita na "hindi ko sila kailangan."

Sa Instagram, sinabi ni Sharon na sobra na raw ang power-tripping ng ibang tao para sa upcoming movie project nila ni Gabby.

"Basta ako I can say 'As God is my Witness' without being afraid that God will surely punish me, kasi I’m not a liar, and I am certainly afraid of using God’s Name to validate a 'lie!'

"Yaan na natin. 2 decades tayo nabless ng husto nang wala sila, isipin ba ng mga feeling na ako pa maghahabol ngayon?!!!!! WHY?!!!

"My gulay ilang beses na nalampaso ng ibang movies ko ang records ng team-up na yan sa box-office. HINDI KO SILA KAILANGAN. malinaw na malinaw?!" ayon kay Sharon.

Sinabi rin ni Sharon na never nag-simula sa kanya ang mga naging problema para sa reunion movie nila.

“Just for the record, I agreed to his requested billing. I really didn’t care. What I cared about was that this, what he called our ‘legacy’ to KC, would be done. FOR HER.


“Wala sa akin ang problema. They can lie and make up all the stories they want. But I was willing to do it and swallow what was left of my pride for KC;

“My life’s work and name will never mean more to me than KC. But i can’t do the movie when my schedule and professionalism are constantly toyed with.”

“Tapos iba ang mababasa mo. Nakakapagod. So never mind what ‘legacy’ was supposed to be for KC;

“I said yes to all demands na. Pero sobra naman ang power-tripping ng mga tao. Not worth it. Ilang beses na ako naoffend. Why naman will I allow it?"

“And since KC was 2 ako lang naman lahat... so she will surely have MY legacy. I hope he gives her something, anything for once in her life. The end,” ayon kay Sharon.


Ipinaabot na rin ni Sharon ang kanyang official resignation sa gagawing movie project sa kanyang mga boss sa Star Cinema na sila Malou Santos at Olive Lamasan.

"This was supposed to be confidential... but it's true naman. I cannot speak for my bosses Olive Lamasan and Malou Santos though. Am a bit upset that this was written about. Some words here were what I sent in a text as my 'official' resignation. HINDI KO SILA KAILANGAN."

Nagsimula ang usapang reunion movie nila Sharon at Gabby matapos ang blockbuster na television commercial nila para sa isang sikat na fastfood-chain na ipinalabas noong February. Nagkaroon ng chance ang former couple na mag-usap para sa isang reunion movie. Subali't hindi na ito umabante at tuluyan ng naunsyami.

Unang nagtambal sila Gabby at Sharon sa pelikulang "Dear Heart" noong 1981. Sinundan pa ito ng ilang pelikula na naging box-office hits din. Huli nilang ginawa ang "Tayong Dalawa" noong 1992. Ikinasal sila noong 1984 at nagkaroon ng isang anak na si KC Concepcion. Naghiwalay sila noong 1987. Sa ngayon, may kani-kaniya na silang pamilya. - ROBERT REQUINTINA

Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards