Winwyn Marquez, tinarayan ang mga pekeng pageant fans



Tinarayan ni Reina Hispanoamericana Teresita "Winwyn" Marquez ang mga pekeng pageant fans na di umano'y nagsasabi na hindi raw niya ginagampanan ang kanyang pagiging international beauty queen.

Nag-react si Marquez matapos mag-post ang ibang netizens na nagsasabing wala raw siyang ginagawa matapos makoronahan bilang kauna-unahang Asian at Pilipina na nanalo sa Reina Hispanomaericana beauty pageant sa Bolivia noong 2017.


Narito ang kabuuan ng kanyang reaction na naka-post sa kanyang Instagram stories:

"To those fake pageant fanatics who keep bashing me and ang daming mema na hindi ako masyado nag-ttravel and walang ginagawa. Well, be updated;

"If ang basehan nyo e photoshoot and travel then okay. I've done that though not as much as others pero nagawa ko na po;


"I signed a network contract and I also have have an upcoming movie with Regal. My CEP is my main project (my advocacy) na sariling sikap pa it's not under RHA or MPWorg;

"That's why I work hard para I can raise funds for it. My RHA crown helped me reached more people sa country natin and sobrang thankful ako dun and sobrang swerte na may mga org na talagang nagrereach out to partner with me;

"Try to be updated and kung magrereklamo pa kayo na 'eto lang' ginagawa ko, well, God bless you. Sana may nagawa ka din kahit papaano para sa ibang tao," ayon kay Marquez. - ROBERT REQUINTINA

Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards