What's up, John Lloyd Cruz?



Itinanggi ng ABS-CBN na hiniling di umano ng aktor na si John Lloyd Cruz na makapagtrabaho uli sa kanyang network matapos nitong umalis para mag-focus sa private na buhay.

Narito ang buong statement na inilabas ng Kapamilya network kaugnay ng issue kay John Lloyd.

"There is no truth to reports that John Lloyd Cruz approached ABS-CBN to request that he return to work, and that the network turned him down. John Lloyd is still on an indefinite leave to attend to personal matters. ABS-CBN values its strong relationship with John Lloyd built through the years. ABS-CBN’s doors are always open to John Lloyd, and he will always be a Kapamilya," ayon sa statement na inilabas ng ABS-CBN Corporate Communications Head na si Kane Errol Choa.


Kamakailan lamang, naging usap-usapan na nakikiusap daw uli si John Lloyd sa ABS-CBN na bigyan uli siya ng proyekto sa kanyang pagbabalik showbiz.

Mariing itinanggi rin ni John Lloyd na biniyagan na raw ang kanilang panganay na anak ng aktres na si Ellen Adarna.


"F*****FAKE NEWS," ayon sa post ni John Lloyd patungkol sa di umano'y binyag ng kanyanh panganay na anak kay Ellen.

Ayon sa naunang balita, nanganak na raw si Ellen noong June 27 at bininyagan na raw ang anak nila noong June 29.

Simula ng mag lie-low si John Lloyd sa showbiz noong isang taon, never pa nitong inamin na may relasyon silang dalawa ni Ellen at nagdadalang-tao na ang kanyang partner. - ROBERT REQUINTINA

Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards