Aljur Abrenica handa ng pakasal kay Kylie Padilla?
Pormal ng namanhikan ang Kapamilya actor na si Aljur Abrenica para hingin ang mga kamay ni Kylie Padilla mula sa ama nitong si action star Robin Padilla. "Naisip ko bakit ngayon ko lang ginawa? Bakit ngayon lang kasi napagtanto ko? Kasi ang sarap ng pakiramdam eh.Si Kylie nakita ko yung ngiti sobrang saya, hanggang sa pag-uwi namin, hanggang sa pag-gising ko sa umaga, masayang-masaya yung bahay namin," kwento ni Aljur matapos ang interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN. "Naisip ko lang nuon yung natutunan kong proseso, para kasing natatakot ako nun. Takot na takot ako. Natatakot ako sa sarili ko, sa pamilya ko. Baka takot na ma-reject, takot na baka may conflict. Dahil sa nangyari nung gabing yun, kay Tito Robin, mas humangga ako sa kanya. Salamat Tito Robin," ayon kay Abrenica. Nagkwento rin si Abrenica kung paano nya pinaghandaan ang pamamanhikan nya kasama ang kanyang pamilya. "Sabi ko kay Kylie, 'mahal punta ka muna sa...