Dwayne Johnson at Vin Diesel hindi magkasundo

Nagulantang ang Hollywood nang inamin ng aktor na si Dwayne Johnson na may alitan silang dalawa ni Vin Diesel na nagsimula pa nang ginagawa nila ang "Fast and the Furious 8" noong 2016. Ito ay isiniwalat ni Johnson sa isang interview para sa May issue ng Rolling Stones magazine. Sa panayam ng Rolling Stones, sinabi rin Johnson na hindi sya pumayag na maka-eksena si Diesel para sa sequel ng pelikulang "Fate of the Furious" noong 2017. Nagpahiwatig din si Johnson na hindi pa sure kung sasali pa sya sa "Fast 9" na naka-takdang ipalabas sa 2020. "That is correct. We were not in any scenes together. Vin and I had a few discussions, including an important face-to-face in my trailer. And what I came to realize is that we have a fundamental difference in philosophies on how we approach moviemaking and collaborating. It took me some time, but I’m grateful for that clarity. Whether we work together again or not,” ayon kay Johnson. Naunang is...