Posts

Showing posts with the label The Stepdaughters

Megan Young, ayaw munang makatrabaho ang kapatid sa showbiz

Image
Kung ang beauty queen-aktres na si Megan Young ang masusunod, ayaw na niyang makatrabaho pa ang kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young sa mga showbiz projects dahil naaawa raw siya rito. "Kahit na acting, minsan kasi nadadala sa bahay. There are intense emotions. E magkasama pa naman kami sa house," ayon kay Megan, sa isang interview matapos siyang ipakilala bilang  endorser ng Cosmo Skin health and beauty products na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay City noong June 7. Nagkasama na si Megan at Lauren sa popular na teleseryeng "Marimar" noong 2015 kung saan gumanap si Lauren bilang kotrabidang si Antonia at si Megan naman bilang Marimar. Ngayon, si Megan ay mapapanood sa "The Stepdaughters" pagkatapos ng "Contessa" kung saan naman kasama ang kanyang kapatid. "Okay na 'yun na minsan na rin kami nagkasama sa work. Let's see maybe in the next couple of years if we have the chance. As of now, okay na ako na I'm...