Joshua, Julia share lessons learned from life's challenges

Kung okay na ang buhay ng aktor na si Joshua Garcia 8 to 10 years mula ngayon, handa na raw niyang pakasalan ang rumored girlfriend niyang si Julia Barretto. "Yes!" ang sagot ni Joshua nang tanuning kung gusto niyang pakasalan si Julia, sa isang interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN. Pero hindi pa rin talaga umaamin sila Joshua at Julia tungkol sa kanilang relasyon. "OK po kami. Masaya kami at nalagpasan namin 'yung trial na dumaan. May natutunan talaga kasi ako sa nangyari na yun," ayon kay Joshua. Nang tanungin kung ano ang kanyang natutunan sa pinagdaanan nila, sinabi ni Joshua: "Yung pahalagahan kung anong meron ako." Tinanong din si Julia kung ano ang natutunan niya sa trial na dumating. Ayon kay Julia: "Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. Pagnagmahal pala ako, todo-todo yung pagmamahal." Dagdag pa ni Julia: "Hindi pala ako basta-basta sumusuko sa taong mahal ko. I had t...