Joshua, Julia share lessons learned from life's challenges



Kung okay na ang buhay ng aktor na si Joshua Garcia 8 to 10 years mula ngayon, handa na raw niyang pakasalan ang rumored girlfriend niyang si Julia Barretto.

"Yes!" ang sagot ni Joshua nang tanuning kung gusto niyang pakasalan si Julia, sa isang interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN.

Pero hindi pa rin talaga umaamin sila Joshua at Julia tungkol sa kanilang relasyon.


"OK po kami. Masaya kami at nalagpasan namin 'yung trial na dumaan. May natutunan talaga kasi ako sa nangyari na yun," ayon kay Joshua.

Nang tanungin kung ano ang kanyang natutunan sa pinagdaanan nila, sinabi ni Joshua: "Yung pahalagahan kung anong meron ako."

Tinanong din si Julia kung ano ang natutunan niya sa trial na dumating. Ayon kay Julia: "Matibay po pala talaga ako. Strong woman pala talaga ako. Pagnagmahal pala ako, todo-todo yung pagmamahal."

Dagdag pa ni Julia: "Hindi pala ako basta-basta sumusuko sa taong mahal ko. I had to go through it in front of the world. If front of everyone, hearing different opinions."


"At the end of the day, you just have to listen to yourself - your heart, your mind. Kasi yun pala ang pinaka importante talaga," sabi ni Julia.

Noong April, inamin ni Julia na may pinagdaraanan sila ni Joshua sa kanilang relasyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nila dinedetalye ang trial na sinasabi nila pero may mga chika noon na nabisto raw ni Julia ang pambabae ni Joshua.

Inamin din nuon ni Julia na nawala ang tiwala niya kay Joshua pero OK na naman daw sila. "But we're okay. Accept, forgive and move on. Life goes on."

Muling mapapanood ang tambalang Joshua at Julia sa pelikulang "I Love You, Hater" kung saan makakasama rin nila si Kris Aquino. - ROBERT REQUINTINA

*Images courtesy of Julia Barretto Instagram



Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards