Villar: Stranded laborers, kailangang payagang makabalik sa trabaho
Nakikiisa si Senator Cynthia Villar sa panawagan sa pamahalaan ng iba pang public officials at general public na agarang tugunan ang kalagayan ng mga stranded na manggagawa at taong mga nawalan ng trabaho sa mga lugar sa Luzon na nakararanas ng gutom at stress dahil rin sa malayo sa kanilang pamilya. Ayon kay Villar, karamihan sa mga ito ay nasa sektor ng kontrusksyon. Hiniling ni Villar sa pamahalaan na buksan ang sektor ng konstruksyon, agrikultura at manufacturing dahil ang mga manggawa rito ang higit na apektado ng community quarantine. “I agree with those who say that there is a “humanitarian crisis in the making” in the current situation of those laborers who are not only stranded in their workplaces away from their families, but cannot help themselves and their families since they have no source of income. It’s doubly difficult for them,” ayon kay Villar. Bukod sa panawagang makauwi rin sa kanilang mga bahay sa lalawigan ang mga stranded na manggagawa, ipinanukala rin ng se...