Villar: Stranded laborers, kailangang payagang makabalik sa trabaho



Nakikiisa si Senator Cynthia Villar sa panawagan sa pamahalaan ng iba pang public officials at general public na agarang tugunan ang kalagayan ng mga stranded na manggagawa at taong mga nawalan ng trabaho sa mga lugar sa Luzon na nakararanas ng gutom at stress dahil rin sa malayo sa kanilang pamilya.


Ayon kay Villar, karamihan  sa mga ito ay nasa sektor ng kontrusksyon.


Hiniling ni Villar sa pamahalaan na buksan ang sektor ng konstruksyon, agrikultura at manufacturing dahil ang mga manggawa rito ang higit na apektado ng community quarantine.


“I agree with those who say that there is a “humanitarian crisis in the making” in the current situation of those laborers who are not only stranded in their workplaces away from their families, but cannot help themselves and their families since they have no source of income. It’s doubly difficult for them,” ayon kay Villar.


Bukod sa panawagang makauwi rin sa kanilang mga bahay sa lalawigan ang mga stranded na manggagawa, ipinanukala rin ng senator na dapat din silang bigyan ng option na makabalik sa kanilang trabaho. 


“Many of them would rather stay here and continue working to provide for their families. So, those are willing to stay should be allowed to work,” dagdag pa niya.


Ayon kay Villar, nagagalit na ang mga tao at nababalisa na maaaring maging sanhi ng social unrest.  


Dahil dito, kailangan ang agarang pagkilos para maibsan ang kalagayan ng ma manggagawa at kanilang pamilya.


Karamihan sa stranded at nawalan ng trabaho ay nanggaling sa NCR at Calabarzon areas. 


Binigyan diin ni Villar na nasa NCR, Calabarzon at Central Luzon ang 70 percent ng GDP ng Philippines. Aniya, nasa sektor ng konstrukyon ang 10 porsiyento ng workforce sa bansa.


Tinatayang meron tayong 3.9 million construction workers noong 2018.  Sinabi Philippine Construction Association (PCA) na aabot sa 1.3 million manggagawa ang mawawalan o nawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng community quarantine.


“We should come to the aid of these displaced workers immediately to avert further problems. Let them continue their work to be able to fend for themselves and provide for their families,” sabi pa ni Villar.  


Marami sa kanila, ayon pa kay Villar, ay hindi kuwalipikado sa financial  assistance ng pamahalaan. Dahil sa nasa construction sites, hindi rin sila naaabot ng relief efforts.


Bagamat may banta sa kanilang kalusugan, inaasahang susunod ang mga manggagawang babalik sa kanilang trabaho sa lahat ng health at safety protocols ng pamahalaan gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks. Maaari rin silang bigyan ng transportasyon at accommodation ng kanilang mga amo kung kinakailangan.



Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

The Philippines' handsomest security guards

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'