Bakit umuwing luhaan si Jay-Z sa 2018 Grammy Awards?
Maituturing na kontrobersyal ang katatapos pa lamang na 2018 Grammy Awards sa Madison Square Garden sa New York nitong January 28 matapos umuwing luhaan ang rap superstar na si Jay-Z kahit na ito ay may walong nominasyon, pinakamarami para sa taong ito. Inaakala ng marami na hahakot na ng award si Jay-Z dahil biniyayaan na sya ng walong nominasyon matapos nitong i-boycott ang prestihiyosong awards show ilang taon na ang nakakaraan. Pero mukhang naisahan yata si Jay-Z ng Grammys dahil kahit na tinapos na n'ya ang boykot, hindi pa rin siya binigyan ng kahit na anong tropeo sa gabi ng awards night. Nasungkit naman ni Bruno Mars ang tatlong major awards - Album of the Year, Record of the Year at Song of the Year. Si Kendrick Lamar, isa sa mga mahigpit na kalaban nila Jay Z at Bruno Mars, ay nanalo rin ng mga awards tulad ng Best Rap Performance, Best Rap/Sung Performance, Best Rap Song, at Best Rap Album. Suma-tutal, nag-uwi si Bruno ng anim na award samantalang lima n...