Coco Martin to fellow Kapamilya stars: Speak up!



A fuming Coco Martin has called on fellow Kapamilya stars to speak up against the ABS-CBN shut down.


"Hindi labanan to ng diplomasya, binarubal na tayo eh. Kinuha na bahay natin. Ano i-expect natin? Di ba? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat lahat ng artista iparinig ninyo ang nawala sa atin," said Martin in Pilipino on Facebook, May 9.


Martin, star of the popular Kapamilya primetime teleserye 'Ang Probinsyano,' has been vocal about the franchise issue of the broadcast network long before the shut down was implemented. On May 6, Martin became emotional on social media when the network went off-air on TV and radio.


"Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo;


"Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?;


"Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan!' 


"Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!"


On February 22, Martin joined a peaceful rally that called for the renewal of ABS-CBN franchise outside the gates of the major network.


Martin said: "Hindi ko hahayaan na isang araw magising na lang ako na yung pinagkakautangan ko ng loob ng maraming empleyado na nagbibigay sa’min ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang nang bigla." - Robert R. Requintina





Comments

Popular posts from this blog

The Philippines' handsomest security guards

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'