At the movies: 'Annabelle: Creation'



Nanuod ako ng "Annabelle Creation" at ang masasabi ko lang ay nanindak ang pelikulang ito ng walang pakundanggan.

Kung gusto nyong magulat, sumigaw at manuod ng mga eksenang makapigil-hininga, ang pelikulang ito ay bagay na bagay sa inyo at tiyak na magugustuhan ninyo.

Ang "Annabelle: Creations" ay follow-up sa pelikulang "Annabelle" na ipinalabas noong 2014. Ito rin ang fourth installment sa "The Conjuring" series na isa ring makapanindig-balahibong pelikula.

Sa prequel na ito, malalaman natin kung saan at paano nag simula ang demonyong manyika na si Annabelle na ayun sa ibang kasabay kong nanuod sa Gateway ay mukha raw itong drug addict dahil sa maitim na make-up na nakapalibot sa kanyang mga mata.


Sesentro ang takbo ng storya sa mga babaeng ampon na napadpad sa isang property na ginawang bahay-ampunan matapos mamatay ang anak ng may ari ng nasabing lugar.

Dito na unti-unting mararanasan ng mga girls ang mga kababalaghan na sisindak sa kanilang grupo na pinamumunuan ng isang madre.

Parang first time kong makapanuod ng pelikula na madre ang taga-pagtanggol laban sa kasamaan. Madalas kasi ay puro pari ang s'yang taga-depensa sa mga evil spirits.


Magaling si sister, huh! Hindi OA ang acting nya. Pati na rin ang mga bagets na kasama nya sa pelikula. Baguhan pa lang sila pero convincing sila.

Maganda ang visual effects ng pelikula pero ilan sa mga ito ay parang nakita na sa mga eksena ng "The Ring" lalo na yung pangi-ngisay-ngisay effect. Nakaka-aliw din yung eksena ng scarecrow kung saan ito ay unang inalipusta ng isang beautiful girl. Hindi nya alam na sa bandang huli ay gagantihan pala siya ng scarecrow.


Isa sa highlight ng pelikula ay ang pakikipaglaban ng isang malditang bagets sa mga demonyo. Na-challenge ang mga demonyo sa kanyang kamalditahan kaya pinaglaruan siya ng mga ito.

Sa tutoo lang, yung chubby na girl na nakaupo sa unahan ko ay wala ng ginawa kundi takpan ang mukha nya ng newspaper (hindi ko alam kung Manila Bulletin, Philippine Star or PDI ang dala nyang dyaryo) kapag nagsisigawan na ang mga tao sa mga nakakatakot na eksena. At padyak pa ng padyak si ate kahit hindi nya nakikita kung ano ang nangyayari sa pelikula.


Kung may balak kayong panoorin ang pelikulang ito, siguraduhin ninyong wag muna kayong tatayo sa inyong upuan sa bandang huli dahil may mga pasabog pa ito habang ipinapakita ang film credits.

Kapag wala na kayong nakikita sa screen at tinugtugan na kayo ng mga kantang kaewanan, that means tapos na tapos na ang peliluka at nakita nyo na rin ang pasabog na sinasabi ko! Pwede na kayong umuwi or kumain sa inyong paboritong fast-food restaurant at pag-usapan muli ang ka-demonyohang ginawa ni Annabelle. - ROBERT REQUINTINA





Comments

Popular posts from this blog

The Philippines' handsomest security guards

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'