Is Ice Seguerra ready for sexual assignment surgery?



Boto si Ice Seguerra sa sexual reassignment surgery o ang pagbabago ng kasarian pero inamin niya na hindi ito ganun kadali.

"Noong una, andun ako sa 'bakit kailangang ganito?' Pero mula ng nag-come out ako as transgender, it's so hard to wake up everyday seeing you're in this body," ayon kay Ice sa interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN.

"Alam mo yung pakiramdam na hindi naman dapat 'yun. Noong una sinabi ko rin sa wife ko, parang hindi niya ma-gets eh. 'Tinatanggap naman kita eh. For me, you're a man. Let's not talk about that.' Thank you for accepting me."

Sa ngayon ay nasa transition period pa lamang siya pagdating sa usapin ng pagpapalit ng kasarian.


"Nasa transitioning pa lang, sa hormone replacement ganyan. Of course ang pinaka-malaking issue talaga diyan is boses. People love what they hear. Sa akin, it's a big risk. This is my bread and butter. I feed my family sa pagkanta ko eh. Siguro naman 'yung ganda ng boses hindi mag-iiba. It's just that bababa siya ng konti and all those things. Tapos 'yung health aspect. I'm just so happy that the 1st Gender Diversity Center opened. So at least may doctors na to talk to. So maybe that's the first step," aniya.


Sa ngayon nagsasama na sila Ice at si Liza Dino, chairperson ng Film Development Council of the Philippines. Ayon kay Ice, devoted partner siya kay Liza at gusto na rin nila na magkaroon pa ng isang bata sa tahanan. Plano rin nila ang mag In Vitro Fertilization (IVF).

"I'm loyal and devoted. I'm step dad (to Amara). Actually we have a very good relationship with Amara's dad. Ang ganda ng relationship, sobrang harmonious. I'm just very happy, hindi lahat ng tao merong ganun. At least one (more kid). Hindi ko kayang kids. Plano talaga namin mag IVF. I ha-harvest yung eggs ko. Hopefully, IVF kung maka-ipon," dadgag ni Ice, dating chairperson ng National Youth Commission. - ROBERT REQUINTINA

Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

The Philippines' handsomest security guards

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'