Anne Curtis still head over heels on Gong Yoo



Inamin ni Anne Curtis na patay na patay talaga sya sa Korean star na si Gong Yoo at halos ginawa na niya ang lahat para makita lamang niya ito ng personal.

Binalikan ni Anne ang mga araw na nasa super fan mode siya para kay Gong Yoo, star ng blockbuster movie na "Train to Busan" at K-drama na "Goblin," nang mag-guest sya sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN.

"Kasi Erwan and I talaga, every Sunday, we do a movie night. And while we are browsing, 'Train to Busan' came up. I asked him 'have you seen this movie?' 'No!' So sabi ko 'let's watch it!' Habang nanunood kami nakatingin ako sa lead guy. Sabi ko he's cute no? Gumanon pa ako kay Erwan;


"Sabi naman niya, 'He's okay.' So ang ginawa ko nag-google ako ng lead. Si Gong Yoo yun! Tapos nakita ko 'yung filmography niya. So I researched! I lifted up. His last series was 'Goblin.' I watched everything. 'Yung series niya. Lahat! After that, I got hooked and then I learned more about the writers, directors;

"I watched 'Descendants of the Sun' naman which is the same director and the same writers of 'Goblin.' Na in-love na naman ako. So nakilala ko naman doon si Song Joong Ki at si Song Hye Kyo. So sobrang na-in love na naman ako sa kanila. Tapos kinasal sila right before kinasal kami ni Erwan;

"Actually Erwan and I were both in Korea when they got married. Nagkataon lang talaga, Sabi ko mag-todo fan girl kaya ako? Tapos abang abang!' ayon kay Anne, star ng bagong movie na "Sid and Aya" kung saan kasama rin niya si Dingdong Dantes.


Pero ang hinding-hindi nya makakalimutan ay ang pagpunta sa Hong Kong para sa chance na makita at ma-interview sana si Gong Yoo.

"Nakakahiya ito pero nagpunta ako sa fan meet ni Gong Yoo in Hong Kong. Si Kuya Kim (Atienza) talaga yung mag-i-interview kay Gong Yoo!  Tapos bigla niyang sinabi sa amin 'Uy Anne! You can come! Baka nga you can interview also! So hoping naman ako. Miss Hopia!;

"So fly naman ako sa Hong Kong. Regardless, I was gonna watch talaga naman his fan meeting there! I wanted to see him in person! And then Kuya Kim said sali daw ako sa interview. So na-excite naman ako! Nakapila na kami. And then sinabi, 'I'm sorry, one interviewer per country!;'


"So siyempre, si Kuya Kiim hindi naman nag-giveway, di ba? Sabi nya, 'Sorry Anne ha, ako mag-i-interview. Sabi ko 'talaga ba Kuya Kim?'

"Tapos hindi pa nag-stop dun! So he goes in! And then Kuya Kim gave him his hat! So sabi daw ni Gong Yoo, 'Kim you! Anne Curtis?;

"Kuya Kim, yun na sana yung pagkakataon mong sabihin na Anne Curtis is outside. 'Sorry na starstruck ako eh!' So 'yun po siguro 'yung pinaka-outrageous thing na ginawa ko na parang nag-paalam ako regardless if I was gonna get an interview or not. Sumugod ako at nanuod ng concert nya," ayon kay Anne. - ROBERT REQUINTINA

* Images courtesy of Anne Curtis Instagram



Comments

Popular posts from this blog

The Philippines' handsomest security guards

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'