Paskong Pinoy: Part 2
Note: This post is written in Tagalog-English para mas lalo nating ma-appreciate ang Pasko sa Pilipinas. Ang mga post na ito ay kuha kung saan-saang lugar bunga ng paglalakwatsa at makakating paa ng may akda.
Kung handaan ang pag-uusapan sa Kapaskuhan, hindi mawawala sa ating hapag-kainan ang spaghetti! Sa mga Pinoy na may sinusunod na pamahiin, mas naghahanda sila ng spaghetti sa Pasko kesa sa Bagong Taon.
Paniwala ng iba, dahil buhol-buhol ang noodles ng spaghetti, magiging magulo raw ang buhay mo kung kakain ka ng pansit o spaghetti sa New Year!
That's why mas mabuti raw na ihanda na lamang ang spaghetti at pansit tuwing Pasko para safe sa pamahiin sa Bagong Taon. And what do you know? Ang dami-dami palang promo ngayon ng spaghetti brand nang bumisita ako sa Shopwise Araneta Center sa Cubao kamakailan lamang. Dahil pambara ang pinag-uusapan natin dito, isama na rin natin ng kaunti ang mga panulak: softdrinks! Heto na! Heto na! Heto na! - ROBERT REQUINTINA
Wow! Yakap Sarap! Yakapin din kaya niya ako kung ito ang ise-serve ko sa kanya? Pwede!
May spaghetti sauce ka na, may juice drink ka pa! Choosy ka pa ba?
Am sure matutuwa nito si Ariana Grande! May spaghetti sauce at breading mix!
'Sweets for my sweets, sugar for my honey! I'll never ever let you go!'
Para sa nagtitipid, pwedeng-pwede na rin ito! Sweet ka pa rin pag nag-serve ka nito!
Pero kung may pa-party si mayor, pwede na ito, pang-maramihan! Lalo nanalo ang favorite candidate ninyo sa Miss Universe! Maganda na itong pang salu-salo!
Sa walang katapusang Cola war naman, mukhang masigasig ang Pepsi ngayon sa Christmas promo kumpara sa kalaban nitong Coca-Cola. Ang Pepsi ay may apat na softdrinks promo sa ngayon samantalang ang Coke ay may dalawang promo lamang.
Heto ang promo ng Coca-Cola ngayong Kapaskuhan: Regular Coke in Can Buy 5 Get 1 Free. Pero may nakitaan din ako nito na Coke Zero in Can Buy 5 Get 1 Free at madali itong naubos.
Isama na rin natin ang RC Cola dahil meron naman silang pa-bihon! Golden pa!
Comments