Paskong Pinoy: Part 1



Note: This post is written in Tagalog-English para mas lalo nating ma-appreciate ang Pasko sa Pilipinas. Ang mga post na ito ay kuha kung saan-saang lugar bunga ng paglalakwatsa at makakating paa ng may akda. 

Iba pa rin ang Paskong Pilipino dahil sa Pilipinas lang yata ang may pinakamahabang preparasyon at selebrasyon sa nalalapit na pagsilang ni Hesus.

Kapapasok pa lamang ng "ber" months, kahit hindi pa December, maririnig mo na ang mga awiting Pamasko sa radyo at nag-uumpisa nang magkaroon ng palamuti ang mga pasyalan at ibang establishment. Minsan, mararamdaman mo rin ito sa lamig ng simoy ng hangin.

Without further ado, heto na ang ilan sa mga Christmas photos na aking nahalaw na siguradong ninyong kagigiliwan. Let's start sa Araneta Center in Cubao, Quezon City! Ready! Get Set! Go! - ROBERT REQUINTINA

Wow! Ang ganda! Para silang naglalakad sa ibabaw ng gift wrapper or colored candy cane!

So liwanag! Para ka na ring namamasyal sa Miami, Florida or Los Angeles, California! 
Tara na! Pasyal na! Now na!

   Taray! Mga mannequin na gumagalaw! Makikita ito sa COD animated display.

 'When I was small and Christmas trees were tall, we used to love while others used to play. Don't ask me why, but time has passed us by. Someone else moved in from far away.'

Tom Jones (gutom) na ako! Lafang kung lafang! One, two, three! Attack!

Para hindi mabulunan, dapat may panulak! O di ba? Healthy na, mura pa! Saan ka pa?

OMG! Andun din sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, o! Sorry Kath-Niel, I don't eat Shawarma! Salamat na lang po!


To cap my lakwatsa, nakatawag-pansin sa akin ang new resto na ito 'Sangyupsalamat Unlimited Korean BBQ!' Ang daming waiting customers sa labas! In fact, may nakita akong 5 madre na nakapila dun kahit mga 8 p.m. na! Ingat po sa pag-uwi mga sis! Late na po!




























Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

The Philippines' handsomest security guards

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'