Bongbong Marcos nasa maayos ng kondisyon - spokesperson
Gumaganda na ang kondisyong pangkalusugan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. makaraang ihayag sa resulta ng clinical test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na siya’y positibo sa COVID-19, ayon ka Atty. Victor Rodriguez, spokesperson ni Marcos. “Pagkagaling ko sa Europa, tumungo agad ako noong sumunod na araw, Marso 14 sa isang ospital upang magpasuri dahil sa medyo may pananakit ang aking dibdib at upang matiyak ang aking kondisyong pangkalusugan dahil sa mga panahong ‘yon ay lumalaganap na ang corona virus,” sabi ni Marcos, ayon sa paglalahad ni Rodriguez. Dagdag pa ni Rodriguez: “Pero umuwi na lang ako kasi sobrang dami ng pasyente noon sa pinuntahan kong ospital kaya hindi na ako nagpumilit na magpaasikaso upang mabigyan ng tamang atensiyon ang mga pasyenteng nauna sa akin... na maaaring mas masama ang pakiramdam.” Ayon pa kay Rodriguez, ang tanging pagkakataon na lumabas si dating Senador Marcos mula noon sa kanyang silid ay noon