Bongbong Marcos nasa maayos ng kondisyon - spokesperson



Gumaganda na ang kondisyong pangkalusugan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. makaraang ihayag sa resulta ng clinical test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na siya’y positibo sa COVID-19, ayon ka Atty. Victor Rodriguez, spokesperson ni Marcos.

“Pagkagaling ko sa Europa, tumungo agad ako noong sumunod na araw, Marso 14 sa isang ospital upang magpasuri dahil sa medyo may pananakit ang aking dibdib at upang matiyak ang aking kondisyong pangkalusugan dahil sa mga panahong ‘yon ay lumalaganap na ang corona virus,” sabi ni Marcos, ayon sa paglalahad ni Rodriguez.

Dagdag pa ni Rodriguez: “Pero umuwi na lang ako kasi sobrang dami ng pasyente noon sa pinuntahan kong ospital kaya hindi na ako nagpumilit na magpaasikaso upang mabigyan ng tamang atensiyon ang mga pasyenteng nauna sa akin... na maaaring mas masama ang pakiramdam.”

Ayon pa kay Rodriguez, ang tanging pagkakataon na lumabas si dating Senador Marcos mula noon sa kanyang silid ay noon lang Marso 22 para magtungo sa emergency room ng parehong ospital makaraang siya’y nakaranas ng hirap sa paghinga, kung saan isinagawa ang ‘COVID-19’ test sa kanya at pinayuhang mag-self quarantine.”

“Simula noong Marso 13, 2020 hanggang sa ngayon ay sinusunod ng dating senador ang health protocol sa mga PUI at taimtim at tahimik nyang tinupad ang ipinaiiral na proseso ng gamutan, ‘tulad ng safety mask at self-quarantine, at walang ingay na inilayo ang kanyang sarili maging sa kanyang pamilya ‘gaya ng isang simple, responsable at ordinaryong pasyente,” pagtatapos na pahayag ni Rodriquez.

Ang resulta ng COVID-19 test sa senador ay inilabas ng RITM noong hapon ng Marso 28 kung saan sinasabing siya’y nag- positibo sa naturang mikrobyo.

Comments

Popular posts from this blog

The Philippines' handsomest security guards

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'