Bagong PTV-4, ilulunsad



Inspired daw ngayon sa bago niyang katungkulan si Kat de Castro, ang dating Kapamilya broadcaster ding anak ng iginagalang na news anchor Noli de Castro, bilang General Manager at Chief Operating Officer ng government TV station na PTV (People’s Television). 


Pormal nang iniluklok sa kanyang puwesto si GM Kat noong July 6, kasabay din sa paghirang sa beteranang broadcaster mula sa Mindanao na si Maria Fe Alino bilang Chairman naman ng istasyon.


Kung dati’y nakilala ang PTV bilang tahanan ng pawang government propaganda, balak daw ng bagong pamunuan ng istasyog baguhin ang ganitong imahe at gawing isang tunay na news, information at public service channel ang PTV.  

Kung ang bagong GM ang tatanungin, ambisyon daw niyang maging kahalintulad ng PTV ang British Broadcasting Corporation (BBC).


Paano nga kaya isasakatuparan ni GM Kat ang ganitong layunin, sa natitirang dalawang taon pa ng administrasyong Duterte?  May mga pamilyar kayang mukhang mapapanood sa PTV mula sa dating mother studio ng Trip na Trip Host? Abangan.


Samantala, ikinatuwa naman daw ni Communications Undersecretary for Broadcast at Government Overseer sa PTV na si Rocky Ignacio ang pagkakapili kina de Castro at Alinio sa pinaka-matataas na pwesto sa istasyon.  Anya, malaki ang maitutulong ng mga professional broadcasters na namamahala ngayon sa lalo pang pagpapa-unlad ng PTV.










Comments

Popular posts from this blog

The Philippines' handsomest security guards

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: 'We are really open'