Who are the trainers of Miss Universe PHL Catriona Gray?

Matapos ang natagumpay na Bb. Pilipinas beauty pageant na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong March 18, marami ang nagtatanong kung kaninong beauty camp nag-training si Catriona Gray ang magiging pambato ng Pilipinas sa darating na Miss Universe 2018 beauty pageant. Sa tutoo lang, idineklara na ni Gray na wala syang beauty camp na kinabibilangan. Isa syang independent candidate noong sumali sya sa Bb. Pilipinas contest. Sa mga hindi nakaka-alam, ang mga beauty camp sa ngayon ang mga nagte-train sa mga kandidata na sasabak sa mga beauty contest. Ilan sa pamosong beauty camp ay ang Aces and Queens ni Jonas Gaffud at Kagandahang Flores ni Rodgil Flores. Maraming beauty queen ang nag-train sa kanila at nag-uwi na ng korona mula sa mga prestihiyosong international beauty pageants. Sa Instagram pinasalamatan nya ang kanyang mga personal trainers pero ayaw raw nilang pabanggit ang mga pangalan nila. "To my angels who have dedicated their passion to training me but...