Posts

Showing posts with the label Tawag ng Tanghalan

Ano ang ginagaya ni Janine Berdin kay KZ Tandingan?

Image
Inamin ni Tawag ng Tanghalan champion Janine Berdin na may mga ginagaya siya sa singer na si KZ Tandingan pero hindi ito 'yung pang-gagaya na iniisip ng iba. "Marami pong things na ginagaya ko kay Ate KZ Tandingan kasi idol ko po siya pero not in the way na ginagaya ko po ang style niya," ayon kay Janine sa kanyang kauna-unahang interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS-CBN matapos itong magwagi sa singing contest ng "It's Showtime" kamakailan lamang. "Pero ang ginagaya ko po 'yung drive niya, yung passion niya na hindi susuko. At yung pag-atake po niya (sa ibang kanta), gusto ko rin 'yung atake niya pero iba yung atake ko," dagdag ni Janine. Nagsabi na rin si KZ na proud siya sa 16-year-old na biritera. "She has her own style. I'm proud of her." Nang tanuning kung ano ang paborito niyang kanta ni KZ, sinabi niya: "Yung OST po ng 'Kita Kita' Two Less Lonely People in the World." ...