Aljur Abrenica handa ng pakasal kay Kylie Padilla?



Pormal ng namanhikan ang Kapamilya actor na si Aljur Abrenica para hingin ang mga kamay ni Kylie Padilla mula sa ama nitong si action star Robin Padilla.

"Naisip ko bakit ngayon ko lang ginawa? Bakit ngayon lang kasi napagtanto ko? Kasi ang sarap ng pakiramdam eh.Si Kylie nakita ko yung ngiti sobrang saya, hanggang sa pag-uwi namin, hanggang sa pag-gising ko sa umaga, masayang-masaya yung bahay namin," kwento ni Aljur matapos ang interview sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS CBN.


"Naisip ko lang nuon yung natutunan kong proseso, para kasing natatakot ako nun. Takot na takot ako. Natatakot ako sa sarili ko, sa pamilya ko. Baka takot na ma-reject, takot na baka may conflict. Dahil sa nangyari nung gabing yun, kay Tito Robin, mas humangga ako sa kanya. Salamat Tito Robin," ayon kay Abrenica.

Nagkwento rin si Abrenica kung paano nya pinaghandaan ang pamamanhikan nya kasama ang kanyang pamilya.

"Sabi ko kay Kylie, 'mahal punta ka muna sa papa mo.' Sabi nya 'bakit?' Kailangan ganun e mamamanhikan ako kailangan kong hingin ang kamay mo;

"Tapos napansin ko na sa sarili ko ang tagal ko ng magbihis. Nakakatawa mga pitong beses yata ako nag-palit ng pantalon. Hindi ko alam. Kada palit ko, nililinya ko yung sasabihin ko sa kanya kasi ang tagal namin (hindi nag-usap).

Nag-sample si Abrenica ng mga linyang sinabi nya kay Robin habang pinaghahandaan nya ito.

"Tito Robin, Magandang Gabi po sa inyo. Kaya po nandito ako ngayon ay pormal ko pong hihingin yung kamay ng anak ninyo. Kasama ko po yung mga magulang ko na sinusuportahan ako;

"Tapos tangal (ng pantalon). Kabit uli ng iba. Uulitin ko na naman yun. Eto na. Bumaba na ako kasi andyan na sila mama, sila daddy. Pagbaba ko, nakapantalon na ako, may nakasabit pa dito (sa shoulder). Nagtanong pa ako, ano ang mas bagay na pantalon sa damit ko, ito o ito? Hindi talala ako mapakali. Na-e-excite ako," ayon kay Abrenica.

Dagdag pa ni Abrenica: "Pagbukas ng pintuan, si Tito Robin yung sumalubong. Pinapasok kami agad. Sabi ko 'Tito Robin, Magandang Gabi po. Nandito po ako para pormal na hingin ang mga kamay ng anak ninyo. Kasama ko po yung pamilya ko."

"Sabi n'ya, 'Nasaan sila?' Hindi ako nag-buckle. Pagpasok namin ng pamilya ko, pinakilala kami sa Padilla clan at saka sa lolo't lola ni Tita Mariel (Rodriguez). Pagkatapos naming kumain, tinwag na ako ako ni Tito Robin. Tapos nag-usap kami."

Tungkol sa usaping kasal, sabi ni Abrenica: "Napagusapan namin ni Tito Robin. May plano. May planong magpakasal."

Binitin muna ni Abrenica ang mga manunuod ng talk show at sinabing isisiwalat na lang n'ya ang iba pang mga detalye sa mga darating na panahon.

Sila Abrenica at Kylie ay kasalukuyang live-in partners. Meron silang isang anak na si Alas Joaquin. - ROBERT REQUINTINA


Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards