Candid Shot: Kenley Filarca



Welcome home, Kenley Filarca!

This successful banker-restaurateur made the Philippines proud once again when he was adjudged Mister National Universe Ambassador 2018 held in Bangkok, Thailand recently.

Filarca did not bring home the major title but his awards, including People's Choice, are enough to make him a winner in the hearts of Filipino pageant fans.

The guy from Ilocos Sur, who is oozing with positive vibes, met some members of the Philippine press to thank them for their support in his exciting journey to the pageant arena.

At his victory press conference in Makati City, Pop News Now sat down with Kenley who gave us insights on love, friendship, lessons learned, and goals. Say hi to Kenley Filarca! - ROBERT REQUINTINA with images by Joy Arguil.


1) Sino ang tunay na Kenley Filarca?

"Ang tunay na Kenley Filarca ay mapagbigay, maingay at masaya."

2) Tatlong tao na napaka-taas ng respeto mo.

"Hindi lang tatlo pero magbibigay ako ng nasa Top 3 ko. Siguro tabla si Col. (Ricardo) Nolasco Jr. at sir Ronald Dominguez...Nasa list ko rin si Ferdie Abejon. And syempre nasa list ko rin si ma’m Michelle (Encarnacion Vitug), Joy (Arguil) at sir Paul (Semira)."

3) Tatlong bagay na gusto mong matutunan sa mga panahong ito?

"Siguro gusto ko munang ma-detach sa social media at sa technology. I’ve spent so much time in social media. Gusto kong mag-pahinga at magkaroon ng peace of mind lang. Gusto ko rin matutong tumahimik at huwag magsalita."


4) Advice sa mga gustong mag-business.

"Maging matapang ka kasi hindi madali sa una. Kailangan mong harapin ang mga risk. Hindi lahat nagsa-succeed, pero hindi naman lahat nagpe-fail."

5) Mga food na ihahain in case may lunch ka with President Duterte.

"Kung ma me-meet ko si President Duterte, ipapatikim ko sa kanya ang biggest burger in the Philippines, tatak ng 'Kusina ni Kenyong.' Pangalawa, yung longganisa ng Vigan para magkaroon siya ng idea kung gaano kasarap ito. At yung pangatlo, Dudol. Gawa siya sa sugar cane at 'yun ang sikat na dessert ng mga Ilocano."

6) Tatlong tao na gusto mong dalhin sa Ilocos Sur.

"Since katatapos lang ng pageant, gusto kong dalhin is una si grand winner si Nepal. Pangalawa si Laos na isa sa mga best friends ko at si Indonesia."


7) Artistang gusto mong gumanap sa buhay mo.

"Patay na si Rico Yan eh. Gusto kong gumanap sa akin si Coco Martin kasi hindi kami katangkaran, pero pareho kaming palaban."

8) Message to your future wife (whoever she is).

"Sana matuto kang tanggapin kung gaano kaingay ang buhay ko ngayon. Maingay means maraming bashers, maraming issue. Pero at the end of the day, mamahalin mo rin naman ako kung sino ako."

9) Most expensive purchase so far.

 "Siguro properties."


10) Gaano kayaman si Kenley Filarca?

"Hindi ako mayaman. Pamilya ko nagsimula sa mababa and we are still on recovery period pero we are on the right track naman."

11) Kantang gusto mong ialay para sa mga bashers.

“Win!’ (Brian McKnight)

12) May gusto ka bang ayusin sa katawan sa ngayon?

"Gusto kong magkaroon ng perfect na abs because I was chosen to be the brand ambassador of PS CLA (health supplement). Basically kailangan kong magkaroon ng magandang physique para may good conviction yung product na I will endorse."


13) Paano magmahal si Kenley Filarca?

"Matindi ako magmahal pero seloso ako."

14) Dalawang bagay na hindi pa nila alam tungkol sa’yo.

"Pagmagmahal ako, todo ako mag effort kahit na busy ako. Magbibigay ako ng oras para sa’yo. Kaya kong i-sacrifice 'yun! Pangalawa, hindi man ako ganun ka-galante, pero kung ano ang gusto mo, ibibigay ko."

15) Paano ka magalit?

"Matindi ako magalit (smiling). Kaya kong magpatawad pero kapag nagalit ako, ibabalik ko sa’yo two times, three times kung gaano kasakit yung ginagawa mo sa akin."


16) Funniest moment sa buhay mo?

"Nangyari yun bago ako pumunta sa Thailand, May binili ako sa SM North EDSA. Pagbaba ko ng kotse, nag slide ako. Unang bumaba yun likod ko. Pilay na pilay ako na nag-shopping."

17) Panahon na gusto mong balik-balikan.

"Yung moment na natalo ako sa national pageant. Kasi natuto ako ng marami, natuto ako paano ang tamang pagtitiwala sa tao."

18) Kung pabango si Kenley, ano’ng brand s’ya?

"I love local products. Hindi talaga ako bumibili ng mga hi-end products. Hindi sa nagtitipid ako pero naniniwala ako na dapat nating tangkilikin ang sariling atin."


19) Kuripot daw ang mga Ilocano.

"Hindi kuripot. Marunong lang kami kung saan gagamitin ang pera. So in case of emergency, may madudukot ka."

20) Are you in a relationship?

"I’m in a relationship right now."

21) Message sa mga girls na binasted ka.

(Long laugh before he answers) Sana masaya kayo sa buhay n’yo. Sana ngayon makilala n’yo ako. Gawin n’yo akong ninong ng mga anak n’yo."


Comments

Popular posts from this blog

Diego Loyzaga on viral nude video: 'It was an accident'

Sharon Cuneta slams noisy condo construction

The Philippines' handsomest security guards